Diba nga ito ang iyong gusto? O, ito´y lilisan na ako Mga alaala´y ibabaon Kalakip ang tamis ng kahapon
Mga gabing di namamalayang Oras ay lumilipad Mga sandaling lumalayag kung San man tayo mapadpad Bawat kilig na nadarama Sa tuwing hawak ang ´yong kamay Ito´y maling akala Isang malaking sablay
Pasensya ka na Sa mga kathang isip kong ito Wari´y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako´y gigising na Sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Gaano kabilis nag simula Gano´n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa Upang di na umasa ang pusong nagiisa
Pasensya ka na Sa mga kathang isip kong ito Wari´y dala lang pagmamahal sa iyo Ako´y gigising na Sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana Minsan siya´y para sa iyo Pero minsan siya´y paasa Tatakbo papalayo Kakalimutan ang lahat
Pero kahit saan man lumingon Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga Ikaw ang nasa isip ko sinta
Kaya´t pasensya ka na Sa mga kathang isip kong ito Wari´y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako´y gigising na Mula sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Diba nga ito ang iyong gusto? O, ito´y lilisan na ako