Ika´y nakulong sa maling pag-iisip Pangarap mo raw mananatiling isang panaginip Sabi nila di raw kakayanin Kaya´t ika´y sumuko At nagpasyang huwag nang subukin
Nagkamali ka ng napuntahan Pero ikaw ay natauhan Bumaling ka lang sa tamang daan
Ilang beses man madapa´t sumubsob Kailanma´y gawing matatag ang iyong loob Mga batikos huwag nang diringgin Pakawalan lang yan sa hangin Bukas ay malapit na ring dumating Lumaban ka pa rin
Balikan kung bakit ba nagsimula Bago mo sabihin na ayaw mo na Huwag mong sosolohin Di ka mag-isa Ikaw pa rin ang susi sa pinto ng iyong tadhana