Langyang pag-ibig ´yan Ang daming mong isusugal Kung balak mo akong iwan O, ba´t mo pa´ko minahal?
Tanda ko pa ang panghuli mong Katamis na mga salita Sabi mo ´di mo na ako mapapasaya Kaya´t aalis ka na
Pasensya na´t ´di nagparamdam Ayaw humilom ng hapdi Kailan ba tayo magkikita? May mga hinanakit pang gustong isigaw
Langyang pag-ibig ´yan Ang daming mong isusugal Kung balak mo akong iwan O, ba´t mo pa´ko minahal?
Alam kong ´di tayo tinadhana Ang dami lang tirang mga sana Ba´t ka pa nag-abala?
Kung magsasawa ka lang rin pala
Nasayang ba´ng mga taon Ng buhay kong inalay sa iyo? Ba´t ba kasi nangyari ´yon? O, hanep ka namang magdesisyon
Sayang ba ang oras nating magkasama At sinundan ko pang payo ng mga tala? Kung pupunitin ko na ang mapang Pabalik sa´yo, pabalik sa´yo
Kung ika´y magmamahal muli ´Wag kang magpapangako Kung ´di mo kayang panindigan ´Wag kang magpapangako Kung ´di mo nga kayang panindigan
Langyang pag-ibig ´yan Ang daming mong isusugal Kung balak mo akong iwan O, ba´t mo pa´ko minahal? Sana masaya ka na Sa piling niya, sa piling niya At kahit sinagad ko pa Naglaho ka, naglaho ka
Alam kong ´di tayo tinadhana Ang dami lang tirang mga sana Ba´t ka pa nag-abala? Kung magsasawa ka lang rin pala
´Wag kang magpapangako Kung ´di mo kayang panindigan ´Wag kang magpapangako Kung ´di mo kayang panindigan