💃🎤 Paroles de chanson Française et Internationnales 🎤💃
|
|
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
Titre : Sugat
[Toni Muñoz]
Kung ayaw mong balikan
Ang iyong mga nakaraan
Paano ka lalayo?
Paano ka tutungo
Sa paglaya ng ‘yong puso
[Toni Muñoz & Poch Barretto]
Kung ayaw mong pakawalan
Ang galit na nasimulan
Paano ka tatayo?
Pa´nong ang bigat maglalaho
May paglaya sa pagsuko
[Munimuni]
Pahilumin, mga sugat
´Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin, mga sugat
Malayo pa ang iyong patutunguhan
[Toni Muñoz]
Kung ayaw mong simulang
Patawarin ang nakaraan
Paano ka lalayo? Paano ka tatayo?
Ang paglaya´y naghihintay sa´yo
[Ben&Ben & Munimuni]
Pahilumin, mga sugat
´Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin, mga sugat
Malayo pa ang iyong patutunguhan