Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?) ´Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata Habulan sa utak ko na mahilig gumala (Uh) Kahapon ay hindi na lumipas, ´di ko rin alam kung meron pang bukas Pilit nga na nangangapa sa laman ngang wala naman nang lunas Naging matalik na kaibigan ng dilim, liwanag ang kaniyang lihim Sinubukang alamin saloobin, tumingin sa salamin Ngayon ano´ng aking gagawin? Ito ay kapit sa patalim Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin nakangiti ikaw pa rin? ´Di mo na kailangan na magkunyaring iba Alam naman natin na mas komportable ka Sa walang sana, walang dismaya, makatotohanan lang, walang iba Buksan mo ang iyong isipan, bakit ´di rin gawing kalawakan
Ang katotohanan ´yong nahahawakan, tuparin ang napanaginipan That´s right, play hanggang sa dulo, uh, mayday panay peligro But someday maitotono ko rin ang buhay ko na ´di sintunado, sing
Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Ah, nah, yeah, yeah (Yah) Dami nang pinagdaanan Na ´di ko inaasahan na malalagpasan Ah, nah, yeah, yeah (Ayy, ayy) Ipipikit ko ang aking mata´t Mananalangin sa mahabaging Ama Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ako´y nagising na sa malalim na pagtulog Teka lang, ba´t para ´to´y bangungot? ´Di ko magalaw aking tuhod Bukod pa do´n ay ´di ako makahugot ng hininga At parang nalulunod, ang pakiramdam ko ay nalulumo Bawat sigaw ay para lang bumubulong Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol Hindi ako marunong humingi ng tulong Ako lang ang guro sa bawat pagsubok Kahit na lumulubog, kahit na nalulugmok Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto Lahat ng ito´y ´di magkakatuldok Hiling ng tadhana ma´y ako´y mabugbog Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo Kinalaban ang nasa salamin, kinontra kaniyang mga gawain ´Lam naman natin na Siya´ng salarin sa lahat ng naging pangyayari sa´min Sa kabila ng lahat ng aking inakala´t pagsisisi Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi At pagkalabog ng beat, mga mata´y namulat sa pagkapikit Unti-unting gumagalaw ang mga binti, ´di ko na pinansin ang aking paghikbi Kailan ba makakatakas dito sa kulungan Ginawa sa´king bumbunang takot ang naging puhunan Nanlalamong kalungkutan, minsan nang napalibutan Diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan
Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Ah, nah, yeah, yeah Dami nang pinagdaanan Na ´di ko inaasahan na malalagpasan Ah, nah, yeah, yeah (Yeah, ayy) Ipipikit ko ang aking mata´t Mananalangin sa mahabaging Ama Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah)
Kailan ba ako tunay na sasaya? Tuluyan nang nawawala´ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata Mahabaging Ama, kailan ba? Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba? Kailan?
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah) (Kailan ba sasaya?) Maging malaya sa takot at pangamba Ah, nah, yeah, yeah Dami nang pinagdaanan (Daming pinagdaanan) Na ´di ko inaasahan na malalagpasan Ah, nah, yeah, yeah (Ayy, ayy) Ipipikit ko ang aking mata´t Mananalangin sa mahabaging Ama (Mahabaging Ama) Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya? (Kailan ba sasaya?) Maging malaya sa takot at pangamba