Accueil  💃🎤 Paroles de chanson Française et Internationnales

 A   B   C   D   E   F   G   H   I   J   K   L   M   N   O   P   Q   R   S   T   U   V   W   X   Y   Z   0   1   2   3   4   5   6   7   8   9 
Artiste : Pablo (SB19)
Titre : Kumunoy
Sa daming iniisip ay hindi maipaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa
Animo´y isang bomba, puso kong nangangamba at ano mang oras ay puputok na

Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba, kaya pa ba-ba-ba-ba? (Yeah)

Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
´Di ko naman alam kung sa´n papunta
Ako´y nawawala na, gusto ko nang mawala na
Ng lahat ng ito´y matapos na
Ginawa ko naman ang lahat pero ´di pa rin sapat
Ako´y hirap na hirap nang huminga
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba
Ano pa ba-ba-ba-ba?

´Di ko maintindihan, tinik sa´king lalamunan
Pa´no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, ´di na kaya ng puso
Nagdidilim na´ng paligid ko
Wala ´kong magawa, nahulog na sa isang

Kumunoy, ito´ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
´Di pa ´ko nakakita pero ´lam kong ito´y kumunoy
Kumunoy, kumu kumu kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
´Di ko na alam kung pa´no ko pa nga itutuloy
´Di pa ´ko nakakita pero ´lam kong ito´y kumunoy
Kumunoy, kumu kumu kumunoy

´Di na bago sa´kin ang pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala dahil ang puso´y bato na
At habang buhay kong papasanin
Kahit ga´no pa kalalim buntong-hininga, patuloy kong ibubuga
Buga, buga, sige, subok kong ubra
Kahit may boses pa na magsabing "´La kang kwenta"
Alam kong may pag-asa, liwanag ma´y wala pa
Paulit-ulit man ang pasakit, ako´ng gagawa ng himala

Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
Gano´n-gano´n lang, ano ba´ng inaakala niyo?
Kahit na yurak-yurakan pa´ng pangalan ko
´Di na mababasag aking pagkatao
Matagal ko na ring iniisip ´to
Sabihin niyo nga sa´kin kung ano´ng mali ang ginawa ko
Sawang-sawa na ´to, kayo na´ng panalo
Lubayan niyo na ´ko, lubayan niyo na ´ko (Lubayan niyo na ´ko)

´Di ko maintindihan, tinik sa´king lalamunan
Pa´no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, ´di na kaya ng puso (´Di na kaya)
Nagdidilim na´ng paligid ko
Wala ´kong magawa, nahulog na sa isang

Kumunoy, ito´ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
´Di pa ´ko nakakita pero ´lam kong ito´y kumunoy
Kumunoy, kumu kumu kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
´Di ko na alam kung pa´no ko pa nga itutuloy
´Di pa ´ko nakakita pero ´lam kong ito´y kumunoy
Kumunoy, kumu kumu kumunoy

Oh-ooh-woah, kinakailangan ko ng tulong mo, oh
Pasensya na´t nakalimutan ko
Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo´y nagdidilim
Salamat, oh, aking Ama, ako´y makakaahon rin (Oh)

Kumunoy, tuluyan nang mawawala ang kumunoy (Mawawala na, mawawala na)

Kita na´ng liwanag, magpatuloy lang sa paglangoy
´Di pa ´ko nakakita at alam kong ito´y kumunoy (´Di ko na kailangan pang makita)
Kumunoy, kumu kumu kumunoy
Muli´t muling magliliyab at init ng aking apoy
´Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot ko, "hoy" (Hoy)
´La akong pake kung ito´y kumunoy
Kumunoy, kumu kumu kumunoy

Salamat, oh, aking Ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan
Napupupuno na ng kadiliman, ah-ah, ah