Kamusta na? Kay tagal ko nang nag-oobserba Gabi-gabing nagtataka, ba´t ba gano´n-gano´n na lang sila? Tinanong ko sa kaniya, ang sabi niya "´Di ko alam pero magbabayad sila"
Mm, pasensya na, matindi´ng dinanas niya Pinulupot ang lubid sa leeg ng kaniyang kaluluwa´t Sinabit sa puno ng pamantayan nila Habang pasan ang bigat ng bawat panghuhusga, dama mo ba? Oh, sige, ´eto na, umpisa pa lang meron na ´kong babala ´Di ko kasalanan ang sunod na kaganapan, kayo rin naman ang nagpunla Tuwid ay binaliko, nag-balat kayo sa kabila ng mga pasang mala-tattoo Nang sa ga´no´y walang dumanak na dugo, galing sa inosente na pikit-bulag kuno Kasinungalingan, mga paratang na wala namang kabuluhan Galing sa boses na walang paninindigan Kahit pa ituring mong kaibigan
Pipiliting paghaluin ang balat sa mga tinalupan, pwes Ito na´ng oras ng paniningil, ´di na muling pasisiil Magpipigil lang kung katotohanan na ang kikitil
Mata sa mata (Mata sa mata) Pangil sa pangil Pinsalang ginawa Ngayon ay harapin
Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Handa ka na ba sa mga bunga ng ´yong aksyon? Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa pa
Lumipas ang araw, nanatili sa´king kahon Ilang taong nakagapos, naghihintay sa panahong Ako ay makalaya sa sariling pagkakakulong ´Di ko kailangan ng tulong kasi mas kailangan niyo ´yon Pinili kong manahimik kahit ang kaluluwa´y gutom Nilayo ang sarili dahil nga alam na alam kong Wala akong ideya sa kung hanggang sa´n kaniyang tugon Ngayong basag na´ng katahimikan, damhin mo ang presyon Malugod akong kinawit, kasunod noo´y panlalait Hugot-saksak sakaling pumagitan pa ang langit Mga ganid, ba´t sa halip tuldukan kahihiyan at ang pasakit? Alulod ko´y pinuno niyo ng galit Ang tugon, ´lang katapusang panunumbalik Ah, malala, ang lagay niyo ngayong nakawala
Na ´ko sa´king tanikala pati saklolo balewala Wawasakin tronong tinayo niyo na gawa sa mga hinanakit ko Balahibo tatayo sa gagawin ko ´Etong hatol ng ´di hurado kung ´di ng isang pinagkanulo
Mata sa mata Pangil sa pangil (Yeah) Pinsalang ginawa (Iyong ginawa) Ngayon ay harapin (Harapin)
Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Handa ka na ba sa mga bunga ng ´yong aksyon? Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa, walang konsiderasyon
Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?) Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?) Ikaw naman ang may gawa, ´eto ang ´yong leksyon Ramdam na ba ang presyon? Ramdam na ba ang presyon? Wala ka nang magagawa pa