Accueil  💃🎤 Paroles de chanson Française et Internationnales

 A   B   C   D   E   F   G   H   I   J   K   L   M   N   O   P   Q   R   S   T   U   V   W   X   Y   Z   0   1   2   3   4   5   6   7   8   9 
Artiste : Pablo (SB19)
Titre : Wala
Lumalalim na naman ang gabi
Hudyat nito´y pamamalagi sa gunita ng pagsisisi
´Di ko maintindihan ang pighati
Siguro nga´y hindi lubos na kilala aking sarili

Ikaw ba´y may alam sa´king dinaramdam?
O tulad nilang walang pakialam?

Oh, buwan
Ikaw nga ba´y tunay na kaibigan? (Oh, ooh-woah)
Lulan mo lang sa´king mundo ay kalungkutan (Oh, ooh-woah)
Dapat ka nga bang pasalamatan?
Kung kasiyaha´y sa t´wing ika´y lilisan
Gayunpaman ay

Kay tagal naghahanap sa salarin
Ni hindi sumagi sa isipang tumingin sa salamin
Wala namang magagawa pa kung ´di tanggapin
At unti-unting pilitin ang sarili ay mahalin

Ikaw lang may alam sa´king dinaramdam
Oh, ´wag na ´wag kang biglang mang-iiwan

Oh, buwan
Ikaw nga ba´y tunay na kaibigan? (Oh, ooh-woah)
Lulan mo lang sa´king mundo ay kalungkutan (Oh, ooh-woah)
Dapat ka nga bang pasalamatan?
Kung kasiyaha´y sa t´wing ika´y lilisan
Gayunpaman ay hindi ko ´to gusto
Hinding-hindi ko ´to gusto (Oh)
Salamat sa presensya mo (Oh-oh-oh)
Hinding-hindi ko ´to gusto
Lubayan mo nga ako