Kanina ay nahuli ang aking sarili Nakangiti na naman at nagkukubli Ng tunay na kailanman ay ´di ko maipagsasabi Na naman, na naman
At pagdating sa´king tahanan ay hindi Ko na naman mahanap aking susi Saang lupalop ko ba ´to naitabi? Pasintabi na naman, na naman
Nalilito, nahihilo na sa inyo Nasa´n na nga ba ang sarili kong pagkatao?
Sino ba´ng may tenga sa mga bulong ko? Kahit pa ´ko´y sumigaw ay malabo Oh, tao po? Pakinggan niyo naman ako Bakit ´di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto? Nang tuluyan nang makita niyo Tunay na ako, ´di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na ´to
Napapamuni-muni sa kawalan ng huni ´Di mapapirmi aking sarili Ilaw nga ang dahilan kung ako ngayo´y nasa´n man Ngunit kailangan kong magpahinga Patayin ang ilaw pansamantala, oh
Bakit gan´to inakalang magbabago? Kabayaran ba nito´y sarili ko´y maglalaho?
Sino ba´ng may tenga sa mga bulong ko? Kahit pa ´ko´y sumigaw ay malabo Oh, tao po? Pakinggan niyo naman ako Bakit ´di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?
Nang tuluyan nang makita niyo Tunay na ako, ´di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na ´to
Heto na naman ako, patungo sa presinto Mag-iisip ng kung ano-ano Kailan ba´ng laya ko dito? Heto na naman ako Pwede bang ipagpaliban muna ng isang linggo? Pwede muna bang hinto?
Papalapit na, ako´y papalapit na Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa Patungo sa lugar kung sa´n ayaw kong pumunta Wala na bang iba? Wala na ba? Patuloy ang aking paghahanap sa pag-asa
Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga? (Ahh)
Sino? Sino? Sino?
Sino ba´ng may tenga sa mga bulong ko? Kahit pa ´ko´y sumigaw ay malabo, malabo, malabo, oh Sino ba´ng may tenga sa mga bulong ko? (Woah) Kahit pa ´ko´y sumigaw ay malabo (Malabo) Oh, tao po? Pakinggan niyo naman ako (Tao po? Pakinggan niyo ako) Bakit ´di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto? (Woah, woah-oh) Nang tuluyan nang makita niyo
Tunay na ako, ´di nagtatago (Tunay na ako, ´di nagtatago) Sa likod ng bumubulag na ilaw na ´to